Exalt: “Only Jesus”
Empower: Genesis 1:22; Mark 12:30; 1 Tim. 6:10;1 Kings 8:18;
Phil.4:11-13; Luke 16:13; Matthew 25: 23-28; Joshua 24:15
Bakit napakahalaga na tama ang pananaw natin patungkol sa pera o kayamanan? Dahil ito ang magpapahiwatig ng ating kaugnayan sa Diyos at ang magsasabi kung paano natin Siya pinagkakatiwalaan. Kung paano natin hina-handle o ginagamit ang pera o kayamanan ay indikasyon kung paano natin kinikilala ang Kanyang pag-ibig at biyaya sa ating mga buhay.
Sa pananaw ng iba, ang salapi ay makapangyarihan. Para sa kanila, magagawa mo ang lahat kapag ikaw ay mayroong salapi o kayamanan. The world has made money so powerful, powerful enough to control the hearts of men. “…ang pagmamahal sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan (1 Timoteo 6:10a MBB).” Nagagawang pumatay ng tao para sa pera o kayamanan. Ang mga miyembro ng pamilya na minsang nagmamahalan ay nagaaway-away at nagkakawatak-watak dahil sa pera o kayamanan. He who is so attached to money/wealth [making money his master; by letting money control his life] is detached to God. Malinaw ang sinabi ni Hesus, hindi maaaring maglingkod sa dalawang panginoon (Luke 16:13).
Paano nga ba ang dapat maging pananaw sa pera o kayamanan?
Sa tuwing pera o kayamanan ang pinag-uusapan sa church, hindi maaaring hindi maihahayag (expose) ang nilalaman ng puso ng tao – kung kanino siya nagtitiwala… kung ang pinaglilingkuran niya ay Diyos o pera. If you feel any resistance in your heart when money, especially giving, is being preached, it’s time for you to give time and meditate on this very important area in your life.
God wants you (us) to multiply (Genesis 1:22)… to increase in everything including money, but it starts from within. Kalooban ng Diyos na managana ka, subalit, kailangan munang mabago ang nilalaman ng iyong puso. Nakikita mo ba ang sarili mo na mahirap, laging nangangailangan at kontrolado ng situasyon sa paligid? Kung ganito ang pananaw mo sa iyong sarili, ganito ka nga. Subalit, kung mauunawaan mo kung sino si Cristo sa buhay mo at kung ano ang mga benepisyo ng kanyang ginawa (His finished work), ang magiging tingin mo sa sarili mo ay mayaman, sapat sa lahat ng bagay at hindi natitinag ng anumang kalagayan o situasyon. Kapatid, ito’y nagpapasimula sa panloob; kahit wala ka pang pera o kayamanan (sa panlabas), maaari kang sumagana (prosper); unawain mo ito, ang pera o kayamanan ay bunga (fruit) lamang; ito’y sumusunod lamang; hindi ito ang ugat (root) ng kasaganaan. The root of prosperity starts from within.
It is God who blesses us with money and wealth so we could be a blessing to others. Ang ating mga trabaho o negosyo ay instrumento o daluyan (channels) upang tayo ay magkapera, at kung paano natin ginagamit ang mga perang iyon ay indikasyon ng lebel ng ating pagkakilala at pagtitiwala sa Diyos. Pumasok na ba sa iyong kaisipan na ang pera na dumarating sa iyo ay hindi lamang para may makain o maisuot ka o para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo dito sa mundo, kundi, para may maitanim ka (through giving) na maaaring mamunga o dumami nang higit pa sa iyong inaasahan? 2 Corinthians 9:10 says - Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid (speaks of generosity; abounding in good works). Kung makikita mo ang pera na hindi lamang bilang “bread” o pantustos sa sariling pangangailangan, kundi, bilang “binhi” na maaaring itanim sa iglesia o sa mga nangangailangan; then, congratulations! You have discovered how the kingdom works! You have opened up the door for blessings to flow and manifest in your life.
See also your money/wealth as seeds; subalit, tandaan na ang paghahasik o pagtatanim ng binhi sa church ay bunga ng ating lumalagong kaugnayan sa Diyos. God wants us to honor Him with the money or wealth He is giving to us. One way to honor God is when we support the church or those who help us grow and mature in our relationship with God. Giving is an act of worship. When we give, we acknowledge Him as the Source of all that we have. Halleluiah!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Bilang tapat na katiwala (good stewards), paano mo inilalaan (allocate) ang mga pananalaping ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos?
Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista
Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City